Lady on laptop

Kung naghahanap ka ng trabaho sa Victoria, makakatulong sa iyo ang Jobs Victoria.

Naghahanap ng trabaho? Maghanap at mag-apply ng mga trabaho sa Jobs Victoria
online hub.

Walang bayad ang aming online hub para makahanap at mag-apply ka ng mga trabaho.

Register now (Magparehistro ngayon)

Maghanap ngayon

Maghanap ng mga trabaho na malapit sa lugar mo.

Magparehistro para maka-apply ng mga trabaho

Para maka-apply ng mga trabaho sa online hub, kailangan mong magparehistro. Ito ay isang simpleng proseso na kinakailangan kang magbigay ng batayang mga detalyeng personal at pangkontak.

Register now (Magparehistro ngayon)

Tumanggap ng mga abiso tungkol sa trabaho

Pagkatapos mong magparehistro, makakatanggap ka ng mga abiso tungkol sa mga bagong trabaho na nauugma sa iyong kagustuhan at lugar.

Ako ba ay nararapat?

Ang Jobs Victoria online hub ay serbisyong walang bayad na magagamit ng sinumang naghahanap ng trabaho pati na ng mga estudyanteng pang-internasyonal.

Karagdagang impormasyon tungkol sa online hub

Anong mga klase ng trabaho ang matatagpuan ko sa online hub?

Lahat ng mga klase, mula sa bagong pagsisimula (entry level) hanggang sa mga matataas na posisyon tungo sa may-bayad na mga pagsasanay (paid traineeships). Maraming mga pwesto sa ibat-ibang mga industriya kabilang ang konstruksyon, hospitalidad, suporta sa may-kapansanan, mga parke at pasyalan, gobyerno, tagahanap ng mga tauhan (human resources), pangkalusugan, pangtransporte, pagkukulot at pagpaganda (hair and beauty), pagmemerkado (marketing) at mga kaganapan (events), pagtitingi (retail), teknisyan sa kompyuter (IT), pang-sasakyan (automotive), pagtitinda (sales) at marami pang iba.

Kailangan ko bang magparehistro para makahanap ng mga trabaho?

Kahit sinuman ay maaaring makapag search for jobs on the online hub. Para maka-apply ng trabaho, kailangan mong mag-register.

Makapaghahanap ba ako ng mga trabaho sa aking teleponong mobile?

Oo. Gamit ang Sidekicker app, ikaw ay makapagla-login sa online hub at maghanap ng mga trabaho sa iyong teleponong mobile.

Ano ang mangyayari kapag nagparehistro ako?

  1. Maglilikha ng iyong hub account sa online. Makapagla-login ka sa iyong account anumang oras, mag-browse at mag-apply ng mga trabaho at mai-update ang iyong profile.
  2. Magsisimula kang makatanggap ng mga abiso sa email tungkol sa mga pagkakataon sa trabaho na nauugma sa iyong lugar at hinahanap na gusto mo.

Ano ang aking profile at maii-update ko ba ito?

Kabilang sa iyong hub account ang isang personal na profile, na siyang nakikita ng mga taga-empleyo kapag nag-a-apply ka ng trabaho. Ang iyong profile ay parang isang online na resume. Maaari mong i-update ang mga detalye tungkol sa iyong sarili at mga karanasan sa trabaho.

Ako ba ay maa-abisuhan kung may mga bagong trabahong naka-anunsyo?

Oo. pagkatapos mong magparehistro sa online hub, magsisimula kang makatanggap ng mga abiso sa email kapag may mga bagong trabahong ipinapaanunsyo. Kung mada-download mo ang Sidekicker app, makukuha mo ang mga abiso diretso sa iyong mobile na telepono.

Ano pang ibang suporta ang ibinibigay ng Jobs Victoria sa mga taong naghahanap ng trabaho?

Ang Jobs Victoria ay nagdudulot ng mga pampersonal na suporta sa mga taga-Victoria na naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng aming mga koponan sa Advocates, Mentors at Career Counsellors.

Saan ako makakakuha ng teknikal na suporta?

Kung nakakaranas ka ng problemang teknikal sa online hub, mangyaring kontakin ang:

support@sidekicker.com.au o kaya sa 1800 882 694

Kung kailangan mo ng tulong sa paggamit ng online hub, pakitawagan ang Jobs Victoria Hotline sa 1300 208 575.