Couple

Magpaanunsyo ng mga trabaho sa online hub

Naghahanap ng kawani? Magparehistro ngayon para makapagpaanunsyo ng mga bakante sa trabaho at kumonekta sa mga kandidato sa trabaho.

Register (Magparehistro)

Login (Mag-log-in)

Ang Jobs Victoria online hub ay isang walang bayad na serbisyo na nagkokonekta sa mga taga-empleyo at sa mga taong naghahanap ng trabaho. Maipapaanunsyo mo ang mga bakanteng trabaho, magrepaso ng mga aplikasyon at kumontak sa mga kandidato.

Kapag nagparehistro ka, ang isang miyembro ng koponan sa Jobs Victoria ay makikipag- ugnay sa iyo upang higit pang malaman ang tungkol sa iyong negosyo. Tutulungan ka namin na i-set up ang iyong account at ipapakita kung paano ang pinakamahusay na paraan para matugunan ng online hub ang iyong mga pangangailangan sa pagrerekluta.

Karagdagang impormasyon tungkol sa online hub

Paano ko maipaparehistro ang aking negosyo?

Anumang negosyo o taga-empleyo sa Victoria ang makakapag - register on the online hub. Ito ay isang simpleng proseso na kinakailangan kang magbigay ng simpleng mga detalye ng negosyo mo at pangkontak.

Ano ang mangyayari kapag ipinarehistro ko ang aking negosyo?

Pagkatapos mong magparehistro:

  1. Makikipag-ugnay kami sa iyo upang matiyak na naka-set-up ang iyong account para maabot ang mga pangangailangan mo sa pagrerekluta.
  2. Makalilikha ka ng profile ng kumpanya mo kasama ang logo, pangkalahatang-ideya at mga links sa iyong website.
  3. Makapagsisimula kang magpaanunsyo ng mga trabaho sa online hub at tumanggap ng mga aplikasyon sa mga kandidato.

Anong klaseng mga trabaho ang maaari kong ipaanunsyo sa online hub?

Anumang klaseng mga trabaho ay maaaring ipaanunsyo sa online hub. Ang mga trabaho
ay dapat babayaran ng ayon sa antas ng pasahod o antas ng sweldo sa mismong lugar,
alinman ang mas mataas.

Ano pa ang maaari kong gawin sa online hub?

Sa pamamagitan ng online hub, maaari kang:

  • magpaanunsyo ng mga bakanteng trabaho
  • magsagawa ng paunang proseso ng pagpili
  • pumili sa buong listahan ng mga aplikante o kaya tumanggap ng isang listahan ng napiling aplikante.

Saan ako makakakuha ng teknikal na suporta?

Ang teknikal na suporta ay ibinibigay ng Sidekicker.

Mag-email sa support@sidekicker.com.au o tumawag sa 1800 882 694.

Ano pang ibang suporta sa pagrerekluta ang makukuha ng mga taga-empleyo?

Ang Jobs Victoria ay sumusuporta sa mga negosyo at mai-uugnay ka sa kawani na kailangan ng iyong negosyo:

  • Jobs Victoria Partners ay mai-uugnay ka sa mga kandidato sa trabaho na may mga kasanayan at katangiang kailangan ng iyong negosyo.