Ang Jobs Victoria
Ang Jobs Victoria ay sumusuporta sa mga taong naghahanap ng trabaho at tinutulungan ang mga taga-empleyo na makahanap ng kawani na kailangan nila.
Maaari kang makipagkita sa isang dalubhasa na taga- Jobs Victoria sa lugar na malapit sa iyo. Nagbibigay din kami ng tulong, impormasyon at pagpapayo sa pamamagitan ng kompyuter at sa telepono.
Mga serbisyo ng Jobs Victoria para sa mga taong naghahanap ng trabaho
Naghahanap ka ng trabaho? Itong mga libreng serbisyo ay makakatulong.
Ang Jobs Victoria Advocates
Ang isang Advocate ng Jobs Victoria ay makakatulong sa iyong paghahanap ng trabaho.
Ang isang Advocate ay maaaring:
- tumulong sa iyong humanap ng suporta, pagsasanay o edukasyon na kailangan mo para makakuha ng trabaho
- tumulong sa iyo sa paghahanap ng mga trabaho sa Jobs Victoria online hub
- magbahagi ng impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng trabaho
- ikonekta ka sa iba pang mga serbisyo gaya ng suporta sa pabahay o pagpapayo.
Upang makipag-ugnay sa isang Advocate, tumawag sa hotline ng Jobs Victoria sa
1300 208 575 o gamitin ang aming mapa (use our map) para matagpuan ang isang
Advocate na malapit sa lugar mo.
Ang Jobs Victoria Mentors
Ang Jobs Victoria Mentors ay tumutulong sa mga taong matagal nang naghahanap ng trabaho. Tumutulong din sila sa mga taong nahaharap sa mga pagsubok na lalong nagpapahirap sa kanilang makakita ng trabaho. Ang isang Mentor ay maaaring:
- tumulong sa iyong paghahanda para sa trabaho
- tumulong sa iyong gumawa ng resume at mag-apply sa mga trabaho
- tumulong sa iyong paghahanda para sa interbyu sa trabaho
- tumulong sa unang anim na buwan sa iyong bagong trabaho.
Para makipag-usap sa isang Mentor, tumawag sa Jobs Victoria hotline sa 1300 208 575 o (gamitin ang aming mapa) use our map upang matagpuan ang isang Mentor na malapit sa lugar mo.
Ang Jobs Victoria Career Counsellors
Ang Jobs Victoria Career Counsellors ay tumutulong sa mga taong naghahanap ng trabaho, kailangan ng dagdag na trabaho o taong gustong magpalit ng kanilang karera. Ang isang Career Counsellor ay maaaring:
- tumulong sa iyong pagpaplano ng karera
- tumulong sa iyong maintindihan ang iyong mga kasanayan at kakayahan
- tumulong sa iyong paghahanda ng mga aplikasyon sa trabaho
- i-ugnay ka sa iba pang mga serbisyong sumusuporta sa karera.
Maaari kang makipagkita sa isang Career Counsellor sa lugar na malapit sa iyo o magpalista ng appointment sa online o telepono. Tawagan ang 1800 967 909 para magpatala ng appointment sa isang Career Counsellor.
Jobs Victoria online hub
Ang Jobs Victoria online hub ay isang libreng serbisyo kung saan makapaghahanap ka at makapag-a-apply ng mga trabaho.
Para makapaghanap ng mga trabaho, i-klik dito.
Para mag-apply ng mga trabaho, kailangan kang naka rehistro. Ang pagpaparehistro ay mabilis at madali. Magparehistro dito.
Pagkatapos mong magparehistro, makakatanggap ka ng mga abiso tungkol sa mga bagong trabaho na nauugma sa iyong kagustuhan at lugar.
May mga trabahong makukuha ngayon upang suportahan ang mga pamilyang tumatakas sa karahasan, mga taong may kapansanan, mga dumaranas ng kawalan ng matitirahan, at mga bata at pamilyang nangangailangan ng pangangalaga at suporta. Alamin ang higit pa
Ang Jobs Victoria hotline
Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng trabaho o kung may itatanong tungkol sa mga serbisyo ng Jobs Victoria, tawagan ang Jobs Victoria hotline sa 1300 208 575 (alas-9 ng umaga--alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes).
Mga Serbisyo ng Jobs Victoria para sa mga negosyo
Ang Jobs Victoria online hub
Ang Jobs Victoria online hub ay isang libreng serbisyo kung saan ang mga negosyo ay makakahanap ng kawani at magpaanunsyo ng mga bakanteng trabaho. I-klik dito para magparehistro ng iyong negosyo at magsimulang maghanap ng trabahador.
Suporta sa pagrerekluta
Ang Jobs Victoria Partners ay makakatulong sa iyong negosyo para makapaghanap ng kawani. Para makagamit ng libreng suporta sa pagrerekluta, makahanap ng Jobs Victoria Partner sa malapit sa iyo:
- maghanap ng Jobs Victoria Partner sa partners map
- tumawag sa Jobs Victoria hotline sa 1300 208 575 o kaya mag-email sa info@jobs.vic.gov.au
Ang Jobs Victoria Partners ay makakatulong sa iyong bagong kawani sa pamamagitan ng pagsasanay at pagpatnubay upang matiyak na mahinusay ang kanilang pagpasok sa iyong lugar ng trabaho.
Ang Jobs Victoria hotline
Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng kawani o kung may itatanong tungkol sa mga serbisyo ng Jobs Victoria, tawagan ang Jobs Victoria hotline sa 1300 208 575 (alas-9 ng umaga –alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes)
Mga serbisyo sa pag-iinterprete
Kung kailangan mo ng taga-interprete:
- Tawagan ang Jobs Victoria hotline sa 1300 208 575 (alas-9 ng umaga – alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes) at ikokonekta ka namin sa Translating and Interpreting Service National (TIS)
- O kaya tawagan ang TIS sa 131 450 at sila ang tatawag sa aming hotline.